Advertisers

Advertisers

2 dating preso patay sa search ops

0 246

Advertisers

Patay ang dalawang dating bilanggo na dawit sa illegal drugs nang makipagbarilan sa mga otoridad sa General Santos city.
Sinabi ni Lt. Col. Giovanni Ladeo, hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit na kanilang isinilbi ang search warrant na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) 63 Judge Adelbert Santillan ng Polomolok South Cotabato.
Target ang mga suspek na sina Ian Kit Marilla Ramo at Lionel Santillana Norcos mga residente ng Poblacion, Polomolok South Cotabato.
Ayon kay Ladeo unang pinuntahan ang bahay ni Ramo, ala-1:00 ng madaling araw nang paputukan umano sila ng suspek kaya’t nakipagbalitan sila ng putok dito.
Sunod na pinuntahan ang si Norcos subali’t natunugan ang pagdating ng pulisya at nagkaputukan din ang mga ito.