Advertisers

Advertisers

Willie at staff ipinakita ang pamumuhay sa Wil Tower

0 314

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA pamamagitan ng isang virtual tour, ipinasilip ng Wowowin host na si Willie Revillame ang kanyang pamumuhay sa Wil Tower.

Simula kasi nang nakabalik siya sa Maynila noong Abril at itinuloy ang kanyang programa, ang Wil Tower na ang naging studio ng Wowowin at nagsilbing tahanan niya at ng kanyang staff  hanggang ngayon.



“Ang lahat po ng ito ginagawa ko, ginagawa namin para ho hindi na sila umuwi. Para ho safe na tayo,” ani Willie.

Ipinakita ni Willie ang kanyang mga katrabaho sa likod ng camera, kung saan sila pumapasok patungong setup ng Wowowin, ang kanilang conference room, at pati na ang kanilang dirty kitchen.

Ipinasilip din ni Willie ang nakaabang na kitchen showcase at living room showcase na maaaring mapanalunan sa ‘Spin A Wil.’

Ang Wowowin ay araw-araw napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts ng programa.

***



MARAMI na tayong nabalitaan na iba’t ibang heroic acts ng medical frontliners. Isa na riyan si Lorraine Pingol, ang nurse na nag-viral pagkatapos niyang tulungan ang isang babaeng naabutan niyang nanganganak sa kalye.

Panoorin ang kabayanihan ni Lorraine sa Magpakailanman ngayong Sabado, sa bago nitong timeslot, 8:15 pm pagkatapos ng The Clash.

May hashtag na #MPKViralFrontliner at may pamagat na Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story, tampok dito si Shaira Diaz at sina Yayo Aguila, Luis Hontiveros, Anthony Rosaldo, sa direksyon ni Don Michael Perez.

***

NAGSIMULA na ang lock-in taping ng cast members (tulad nina Aiko Melendez, Katrina Halili at sina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo) at production crew ng GMA Afternoon Prime drama series na ‘Prima Donnas’.

Makikita sa photos na ibinahagi ng beteranang aktres na si Chanda Romero, na gumaganap bilang si Lady Prima Claveria, ang masayang reunion ng cast sa kanilang unang araw ng lock-in taping.

Mapapansin din na maingat na sinusunod ng cast ang social distancing at pagsusuot ng face mask at face shield bilang proteksyon.

Sa video rin na ipinost ng isa sa mga Donnas na si Althea ay makikitang layu-layo ang cast habang wala pang kinukunan na eksena. Maging ang direktor ng teleserye na si Gina Alajar ay nakasuot din ng tamang protective gear. Bago bumalik ng taping ay sumailalim din sa swab testing ang lahat ng bumubuo sa serye.

Habang kasalukuyang abala ang cast sa pagte-taping para sa fresh episodes ng Prima Donnas, mapapanood ang catch-up episodes nito sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.