Advertisers
Ni JULIET PACOT
KARANIWAN na nating naririnig ang kasabihang nasa “ikalawang glorya.”
Minsan pilitin man nating maging maayos ang ating pag-aasawa maraming bagay ang pinagtatalunan na nagiging resulta sa hiwalayan. Sawi man o tagumpay dumaraan sa yugto ng buhay ang pagsubok na hindi natin inaasahan.
Ganito ang naging kaso nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria na bigo sa kanilang married life pero ngayon ay pinagtagpo ang kanilang landas at nagkaunawaan.
Kinumpirma mismo ng talent manager na si Noel Ferrer na nagkakamabutihan na sina Raymart at Jodi.
Sa kanyang social media, nag-post ito ng larawan na sweet na magkayakap ang dalawa sa bahay ng actress sa Alabang.
Huling nakarelasyon ni Jodi si Jolo Revilla na anak nina Mayor Lani Mercado at Senador Bong Revilla, naghiwalay rin sila noong 2018 bago pa man ito ikasal kay Pampi Lacson kung saan mayroon silang isang anak noong 2011.
Mayroon ding anak si Raymart sa dating asawang si Claudine Barretto.