Advertisers
ARESTADO ang tatlong drug dealer sa inilunsad na drug buybust operation sa probinsya ng Cotabato, Cental Mindanao.
Kinilala ang mga suspek na sina Rahib Malingco, Fahad Abdullah at Maribel Carillo.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA-BARMM) Regional Director Juvinal Azurin na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa Barangay Poblacion Pikit North Cotabato katuwang ang PDEA-12,Pikit MPS at 90th Infantry Battalion Philippine Army.
Sa report, narekober sa mga suspek ang kulay asul na bag na naglalaman ng 10 malalaking pakete ng shabu na tumitimbang ng 500 grams na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Sinabi ni Director Azurin na ang mga suspek, mga high value target (HVT) at sangkot sa large scale illegal drug trade.
Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.