Advertisers
NASUNGKIT ni Vince Carter ang 2019-20 NBA Sportmanship Award nitong Huwebes.
Ang 43-year old US playmaker, na nagsimula ang kanyang NBA career sa Toronto noong 1998, ay naglaro ng kanyang final game sa March 11 sa Atlanta kontra New York bago magsara ang liga dahil sa coronavirus pandemic.
Bawat team ay nag nominate ng isang player bago tinapyasan ng league executives sa anim na finalist, na siyang pagpipilian ng NBA players para manalo.
Tumanggap si Carter ng 143 of 266 first-place votes at 2,520 total points sa balloting ng mga NBA players.
Pumangalawa si Brooklyn Nets guard Garrett Temple na may 1,746 points at pumangatlo si Oklahoma City center Steven Adams ng New Zealand na may 1,632.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nasungkit ng Atlanta player ang award matapos kay Kyle Korver noong 2015.
Si Carter ay walong bese naging NBA All-Star at 1999 NBA Rookie of the Year. at may 1,541 NBA appearance, at ranks No.3 sa all-time games played. siya ang tanging player na naglaro sa apat na magkaibang dekada.
Si Carter ay ranks 19th sa NBA all-time scoring list na may 25,728 points at sixth in career 3-pointers na may 2,290.