Advertisers

Advertisers

Jona aminado, kinakalawang na ang boses

0 296

Advertisers

Ni JOE CEZAR

SA “Magandang Buhay” noong Miyerkules (Setyembre 30) ng umaga ng Kapamilya Channel, guest si Fearless Diva na si Jona.

Hanga ang mga host na sina Jolina Magdangal, Melai  Cantiveros at Karla Estrada sa operatic version nitong pinasikat na awitin na “Maghihintay Ako”.



Bago ito kumanta, tinuruan ni Jona si Melai kung paano ang pag-awit ng opera.  Kilig na kilig naman si Melai nang humagod bilang isang magaling ding opera singer.

Napag-alaman natin na minsan din siyang nag-aral ng classical music para sa kanilang concert noon kasama ang iba pang artist ng “ASAP Natin ‘To”.

Inamin ni Jona na may epekto sa kanyang boses ang hindi palaging pag-awit dahil sa pandemya.

Aniya, dahil sa walang palagiang praktis sa pag-awit tila nangangalawang ang kanyang boses.

Depensa ng Fearless Diva, “Ako rin po nae-experience ko siya lately kasi hindi na nga po kami every Sunday live sa “ASAP” kung hindi isang linggo kaming nagte-taping and then one live na lang po ang ginagawa namin. So, parang nababawasan po ‘yung chance na magamit mo ang boses mo every week. Dahil quarantine ngayon mayroon kang other things na ginagawa, hindi mo medyo nagagamit ang boses. So medyo nangangalawang po siya.”



Dagdag pa ni Jona, nakakaapekto rin ang mga pagkaing bawal sa boses.

“‘Yung mga sweets, ‘yung bawal sa boses, ganoon po ang effect naggagaralgal… ang kailangan po ay constantly gamitin natin ang boses natin… practice sa pagkanta. Even sa pagsasalita kailangan may placement para hindi nasisira ang voice.”

Samantala, malalaki na (ang kanyang special recues) ngayon ang kanyang mga alagang  aso at  pusa. Kung may 26 dogs siya, ngayon mas maraming pusa na siyang alaga.

***

STAR-STUDDED LINE-UP HANDOG NG “WISH KO LANG!” SA OKTUBRE

NGAYONG Oktubre, star-studded line-up ang handog ng “Wish Ko Lang” hosted by Vicky Morales.

Dapat abangan dahil sesentro sa pamilya ang mga episode. Bigatin din ang mga artistang bibida sa bawat kuwentong mapapanood tuwing Sabado ng hapon.

Sa darating na Oktubre 3, sina Angelika dela Cruz, Barbara Miguel, Miggs Cuaderno, Neil Ryan Sese, at Angela Alarcon ang mga Kapuso star na magbibigay-buhay sa dramatization ng “Nilapa ng Buwaya” story.

Siguradong aabangan din ng viewers ang mga susunod na episode. Kasama sa mga ito ang kuwentong pagbibidahan nina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Klea Pineda, at Kelvin Miranda. Muli namang mapapanood sa telebisyon ang batikang aktres na si Rita Avila sa episode na kasama sina Vance Lareña, Crystal Paras, Michael Flores, at Arny Ross.

Kaabang-abang din panoorin ang episode ni Bianca Umali na makakasama niya sina Angelu de Leon, Chesca Salcedo, at Sue Prado.

Bahagi rin ng “October Pasabog” line-up ng programa ang kuwentong pagbibidahan ni Katrina Halili kasama sina Dominic Roco, Divine, at Miggs Cuaderno.

Mapapanood ang “Wish Ko Lang!” tuwing Sabado, 4 pm sa GMA Network.