Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 416 gumaling; 56 nasawi; 2,611 bagong kaso

0 536

Advertisers

PUMALO na sa 316,678 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,611 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon ngayong Biyernes, Oktubre 2.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 870 bagong kaso.
Sinundan ito ng Region 4A na may 400 at Region 6 na may 255.
Ayon sa DOH, ang aktibong kasonay nasa 56,445 na lamang ngayon.
Nakapagtala naman ang DOH ng 416 na bagong gumaling mula sa covid-19. Dahil dito nasa kabuuang 254,617 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 56 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,616 na ang kabuuan.
May 11 duplicates naman na tinanggal sa total case count. Siyam dito ay recovered cases at isang nasawi ang tinanggal.
Samantala may 13 kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)