Advertisers
Inaanunsiyo ng QUEZON CITY GOVERNMENT na ang lahat ng mga nagbibisekleta gayundin ang mga taga-ibang lugar na nagbibisekletang daraan sa naturang lungsod ay pagmumultahin ang mga ito.., kung walang suot na helmet bilang proteksiyon sa sinumang mga nagbibisekleta.
Simula sa October 15 ngayong taon ay ipaiimplementa na ng QC GOVERNMENT ang panghuhuli sa lahat ng mga BIKER na walang suot na HELMET.., at hindi po ito laan para sa mga residente ng nasabing lunsod lamang kundi maging sa lahat ng BIKERS mula sa iba’tbang lugar na babagtas sa mga daanang sakop ng QC ay huhulihin kapag walang suot na HELMET.
Ang panuntunang ito ay ipaiiral na ng nasabing CITY GOVERNMENT makaraang aprubahan ni QC MAYOR JOY BELMONTE ang inendorso nina COUNCILORS MARIA DORELLA SOTTO, KAYE GALANG-COSETENG at CANDY MEDINA para sa ORDINANCE No. SP-2942 na pumapaloob sa MANDATORY ROAD SAFETY bilang pagsusuot ng helmet sa lahat ng BIKERS.
Sa lahat ng mga nagbibisekleta ay kailangan nang bumili agad kayo ng helmet para makaiwas kayo sa pagkakagastusan dahil ang sinumang mahuhuli na walang suot na helmet ay may kaukulang multa na P1,000 para sa unang pagkakahuli; P3,000 sa ikalawang pagkakataon; at P5,000 naman para sa ika-3 pagkakahuli.
Magmula nang kumalat ang COVID-19 at ipairal ang COMMUNITY QUARANTINE sa iba’t ibang lugar sa ating bansa ay unang ipinagbawal ng gobyerno ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan.., kaya lubhang naapektuhan ang ating mga kababayang nagsisipagtrabaho at ang naging alternatibo para makapagpatuloy sa pagtatrabaho ay ang paggamit ng bisekleta.
Bukod sa bisekleta ay dumami na rin ngayon ang gumagamit ng ELECTRIC SCOOTER at DE-GASOLINANG SCOOTER para sa pagbibiyahe marating lamang ang mga lugar na pinagtatrabahuan ng sinuman partikular na ang mga nasa hanay ng FRONT LINERS.
Yun nga lang, mukhang mahaharap sa karagdagang proseso’t pagkakagastusan ang mga gumagamit ng ELECTRIC at DE-GASOLINANG SCOOTER gayundin ng mga gumagamit ng ELECTRIC BIKE.., dahil binabalangkas na ng mga kinauukulang ahensiya sa transportasyon na kailangan nang magpairal ng DRIVERS LICENSE at REGISTRATION ng mga DE-KURYENTE o DE-GASOLINANG SCOOTER o BISEKLETA.
Teka..,, ang mga DE-KURYENTE’T DE-GASOLINANG BISEKLETA ay paghihigpitan sa pagpapairal ng DRIVERS LICENSE at REGISTRATION.., e samantalang ang mga bisekletang DE-PADYAK ay kapareho ring nakakabiyahe sa mga mainroad na hindi na kailangan pa ng DRIVERS LICENSE?
Dapat siguro, ang lahat ng mga LOCAL GOVERNMENT UNIT ay maglaan o magpagawa ng permanent BIKE at SCOOTERS LANE sa lahat ng mga kalsada .., para eksklusibong magagamit lamang ng mga 2-WHEEL VEHICLES, dahil ito ang murang sasakyan na kakayanin ng mga mahihirap nating kababayan!
***
PRODUKTO NG MGA MAGSASAKA DIREKTANG BIBILHIN NG LGU’s!
Bilang pagmamalasakit sa ating mga magsasaka ay dapat limitahan muna ang pag-aangkat ng mga produktong agrikultura mula sa iba’t ibang bansa at sa halip ay unahing bilhin ang mga produktong pinagpaguran ng ating mga magsasaka.
Kamakailan ay pinakiusapan ng DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA) sa pamumuno ni AGRICULTURE SECRETARY WILLIAM DAR ang mga PROVINCIAL LOCAL GOVERNMENT UNITS (PLGUs) gayundin ang mga private sector na unahin at direktang bilhin ang mga palay at mais mula sa mga magsasaka.
“The LGU- and private sector-led palay and corn buying will complement efforts of the Department of Agriculture (DA) through the National Food Authority (NFA) to buy as much as possible from rice farmers using its 2020 P10-billion procurement fund. We instructed NFA to roll-over twice its procurement fund so it could buy P20 billion-worth of palay this year,” pahayag ni SEC. DAR.
Bunsod nito ay inabisuhan ni DAR ang NFA na ihanda ang WAREHOUSES para magamit at mapag-imbakan ng mga FARMERS COOPERATIVE at ASSOCIATIONS gayundin ng mga LGUs.
Saludo ang ARYA sa hakbang na ito ni SEC. DAR na ang mga produkto ng ating mga magsasaka ay ang LGUs na ang direktang bibili sa mga magsasaka.., dahil kinakailangan din ng gobyerno sa pamamagitan ng NFA na mag-imbak ng mga bigas na ginagamit sa oras ng mga kalamidad. Pinakamainam na bago mag-angkat ng bigas o bago magbigay kapahintulutang makapag-angkat ang mga FARMERS COOPERATIVE ng mga bigas mula sa iba’t ibang bansa ay ang mga aning palay muna ng ating mga magsasaka ang kailangang pagbibilhin bilang malasakit sa pinaghirapan ng mga naghihirap nating mga magsasaka.
“This should be part of the ‘new normal,’ where LGUs are taking a more pro-active stance by directly buying farmers’ produce — be these rice, corn, vegetables, chicken, eggs, fish and other farm and fishery products — at reasonable prices, and then include them in their food packs for their constituents,” saad ni DAR.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.