Advertisers

Advertisers

‘Velasco tinabla agad si Pangulong Digong’

0 605

Advertisers

ASTIG nitong si Cong. Lord. Hindi pa man nakaupo bilang House Speaker ay tinabla agad ang pakiusap ni Pangulong Digong.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, halos apat na beses hiniling ni Pangulong Rody Duterte kay Congressman Lord Allan Jay Velasco na ipagpaliban hanggang Disyembre ang pagpapalit ng liderato para masigurong maipapasa muna ang pambansang budget. Ngunit nagmatigas si Lord.

“No extension” ang tugon ni Lord sa paulit-ulit na pahiwatig ni Pangulong Digong. Sinabihan pa niya ang Pangulo na kung hindi niya itutuloy ang unang 15-21 agreement ay baka walang maniwala sa kaniya.



Bakit kaya gigil na gigil si Lord na umupo na ngayong October 14?, tanong ng mamamayan. Bakit hindi kayang magsakrispisyo si Lord ng dalawang buwan nalang? Ano ba ang mas mahalaga ang interes ng bayan o ang sariling ambisyon? Nakakalungkot… kasi panahon ng pandemya ngayon, sa halip na unahin ang trabaho ay pinipilit ang pagiging Speaker niya.

Hindi makakatulong sa bansa ang girian ng mga opisyal ng Kongreso lalo na ngayong tambak ang trabahong dapat asikasuhin dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa.

Bilang Pangulo wala siyang kinakampihan kay Speaker Ca-yetano at Cong. Velasco. Ayon sa Pangulo mismo, ang kanyang pakiusap kay Lord ay hindi para kay Alan, ngunit para ito sa bayan. Hindi naman ito nangangahulugang bibigyan ng dagdag na buwan ang kasalukuyang Speaker at malalamangan ang susunod.

Simple lang naman ang mensahe ng Pangulo. Isantabi muna ang pulitika at bigyan ng prayoridad ang pagpapasa ng budget para makatulong na makabangon ang mga sektor na lubos na naapektuhan ng coronavirus. Madaming nagugutom at nawalan ng trabaho. Ngayon mas kailangang magkaisa ang buong Kongreso kasama ang ibang ahensiya ang gobyerno para mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo. Mismo!

Nabanggit ni Speaker Cayetano sa kanyang talumpati sa Kongreso na minungkahi ni Velasco na ipasa nalang ng Kamara ang panukalang budget na pinasa ng Ehekutibo ng walang pagbabago para mapabilis ang proseso. Ganun?



Bilang ordinaryong taxpayer, hindi ata magandang pakinggan kung ganun ang paraang nakikita ni Cong.Velasco para pabilisin ang pagpasa ng Pambansang Budget. Hindi ba parang trabahong tamad yun? Sa panahon ng pandemya, kailangan mas maging agresibo ang mga pinuno sa Kamara. Maaring kaalyado ang karamihan ng Presidente ngunit dapat ay busisiin din ang mga nilalaman ng panukalang budget para sa 2021.

Trabaho nilang balangkasin ang budget ayon sa pangagailangan ng mga probinsya at rehiyon. Hindi naman sila “rubber stamp” na sunod sunuran lang.

Sa gitna ng pandemya, napakahalaga ng bawat piso na gagastusin ng gobyerno kung para saan at kung gaano kalaki ang budget na bibigay, lalo na’t napakaraming dapat pondohan. Ang sektor ng agrikultura at kalusugan ay dapat pagtuunan ng pansin nga-yon. Higit 7 milyong Pilipino ang nakaranas ng gutom sa nakaraang tatlong buwan dahil sa kawalan ng trabaho at dahil narin sa pagkalat ng virus. Mahigit 5000 na ang namatay at hanggang ngayon lagpas 50,000 pa ang hindi gumagaling sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa panahon ng krisis, hindi maaring pa-patay patay at mabagal ang galaw ng Speaker ng Kamara kailangan ding malaki ang tiwala ng bawat miyembro sa kanyang liderato.

Kung ngayon palang ay hindi na sinusunod ang pakiusap ng Pangulo na unahin ang interes ng bayan at hindi rin gustong magtrabaho para mas maiayos ang laman ng budget para sa susunod ng taon, ano pa ang maasahan ng taumbayan kay Congressman Velasco kung siya ang susunod na uupo bilang Speaker?

Nagpahayag na nga ng pag-alala si Pangulong Digong na baka hindi maipasa ang national budget para sa 2021 lalo’t 184 kong-resista ang nagpahiwatig na ayaw nila kay Velasco. Aray ko!