Advertisers
SI Raymond Almazan ang huling dumating para sa Meralco sa loob ng PBA bubble.
Ang Bolts big man ay sumasailalim sa rehabilitation matapos ang surgery sa kanyang kaliwang tuhod sa offseason.
Si Almazan ay nagtamo ng meniscus tear sa Game Three ng Governors Cup finals laban sa Barangay Ginebra ngayong taon.
“Hahabol siya before the opening. Officially, naka-lineup siya for Meralco,” wika ng taong dikit sa Letran University alumnus.
Ang players ay hanggang October 10, para pumasok sa loob ng bubble sa Clark Freeport.
Kinumpirma ni Team manager Paolo Trillo na si Almazan ay bahagi ng Bolt’s official roster para sa All-Filipino conference.