Advertisers

Advertisers

PRRD NIRESPETO ANG BOTO NG MGA KONGRESISTA!

0 302

Advertisers

TULUYAN nang dumistansya si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng liderato ng kamara kasabay ng pagbibigay- respeto sa pagbasura ng mga mambabatas sa inalok na pagbibitiw ni Speaker Alan Cayetano nitong Miyerkules, Sept. 29, bilang lider ng Mababang Kapulungan.
Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa press briefing kahapon matapos nitong kumpirmahin ang muling pagkikita ng pangulo at ni Cayetano sa Malakanyang nitong Miyerkules ng gabi. Kasama ni Cayetano ang kanyang misis Cong. Lani, Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva at Sen. Pia Cayetano. Nasa pulong din si Sen. Bong Go.
Sinabi ni Roque na personal niyang tinanong ang pangulo tungkol sa isyu ng house leadership at sinabi nito na stay-out tayo dyan dahil ito ay internal matter sa pagitan ng mga mambabatas.
“Stay out tayo diyan, no comment tayo diyan, that’s purely an internal matter of the House,” sabi raw ng Pangulo kay Roque.
Pinahayag din ni Roque na sa kanyang palagay ay tapos na ang kontrobersiya tungkol sa house leadership batay sa ginawang pagbasura ng kamara sa pagbibitiw ni Cayetano. “I believe the House controversy is over”.
Sinabi pa ni Roque na pinapaubaya na ni Duterte ang desisyon tungkol sa house leadership sa bawat miyembro ng kamara. “The president has left the decision on the house leadership to the individual members of the House of Representatives”.
Matatandaan na pinatawag ni Duterte sina Cayetano at Cong. Lord Velasco noong Martes, Sept 28, sa Palasyo upang pag-usapan ang term-sharing sa liderato ng kamara. Napag-alaman na sinabihan ni Duterte si Velasco na sa Disyembre nalang siya umupo bilang speaker dahil tinatalakay pa ang 2021 national budget sa kamara. Pero ipinilit umano ni Velasco na sa Oktobre 14 dapat gawin ang palitan ng house leadership.
Nitong Miyerkules ay nagsalita si Cayetano sa sesyon ng kamara at ibinulgar niya ang detalye ng pag-uusap sa Palasyo, kasama na rito ang pagpupumilit ni Velasco na maupo bilang speaker sa ilalim ng kanilang term-sharing agreement.
Minabuti ni Cayetano na bumaba na sa puwesto nitong Miyerkules at nag-alok ng kanyang resignation bilang lider ng kamara ngunit nagmosyon si partylist Cong. Mike Defensor na ibasura ang pagbibitiw ni Cayetano. 184 kongresista ang tumanggi na magbitiw si Cayetano, 9 ang nag-abstain, habang 1 lang ang umayon na ito ay magbitiw.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kongreso na may nagbitiw na Speaker of the House ngunit tinanggihan ng mga kapwa mambabatas nito. (PFT News team)