Advertisers

Advertisers

No. 4 Most Wanted sa Tondo timbog!

0 253

Advertisers

ARESTADO ang ‘No. 4 most wanted’ sa Tondo na 50-anyos na tricycle driver sa kasong pagpatay sa Tondo, Manila.
Kinilala ang nadakip na si Jessie Rotano ng Bldg. 32 Unit 74 Temporary Housing ,Vitas, Tondo.
Sa ulat ng Manila Police District – Station 1, 9:30 ng umaga nitong Huwebes, Oct.1, nang mahuli si Rotano sa tapat ng Bldg.12 .
Sa bisa ng order of arrest na inisyu ni Hon. Hermogenes Liwag, Presiding Judge sa Manila Regional Trial Court, Branch 55, na may petsang Hulyo 3, 2020, inaresto si Rotano.
Ayon sa report, may piyansang P40,000.00 si Rotano na inilaan ang korte.(Andi Garcia)