Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUMALAS na nga si Julia Barretto sa Star Magic.
Lumipat na ito sa Viva Artist Agency na siya nang mangangasiwa sa karera nito.
Kung ang tatay-tatayan nga raw nila ay lumipat na ng network kaya wala naman umanong masama kung sila ring mga talent ay mag-alpasan na sa dating kuwadra.
Kahit nga si Maja Salvador ay sinundan ang tatay-tatayan nilang si Mr. M (Johnny Manahan) sa Kapatid Network.
Kanselada na rin ang serye sana na pagsasamahan nina Julia at Tony Labrusca, ang Cara y Cruz.
Mag-start na raw sana ang taping nito nang magdesisyon si Julia ng paglipat kaya hahalili rito ang kasama rin niya sa serye na si Barbie Imperial.
May ugong na lilipat ito sa Singko pero pinabulaanan naman ng network na mag-oober da bakod ito.
Ang kinumpirma ng insider ay tuluyan nang iiwan ni Julia ang Star Magic at sa Viva na ito lilipat.
***
KILALANG mag-beshie sina Billy Crawford at Vice Ganda.
Kinumpirma nito na trulili na lilpat na ng TV5 si Billy.
Naging close sina Billy at Vice sa noontime show nilang It’s Showtime.
Sa paglipat ni Billy saTV5 ay never naman nito malilimutan ang kaibigan.
Ayon pa kay Billy, kahit nag- ober da bakod pa ito ay mananatili pa ring Kapamilya niya si Vice.
Teary eyed si Billy nang magpaalam ito sa kaibigan kaya maraming netizen ang nalungkot sa paalamanan nila.
Well, well, well… ‘Yun na!