Advertisers

Advertisers

Mga ahensya na miyembro ng BP2 program, pinuri ni Bong Go

0 205

Advertisers

PINURI ni Senador Christopher “Bong” Go ang member-agencies ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa o BP2 Council sa patuloy na pagsisikap at commitment para makapagbigay ng economic opportunities at magbigay ng pag-asa para sa isang mas maayos na buhay sa mga nagbabalik-probinsiya.
Sa video message ni Go sa virtual awarding na isinagawa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Leyte kung saan namigay ang DOLE at BP2 partner agencies ng mga livelihood assistance sa mga pamilya at individual, sinabi ni Go na patuloy ang gobyerno sa pagtupad sa mga pangako na masiguro ang kalidad na buhay sa mga benepisaryo.
Tiniyak ni Go na hindi pababayaan ng gobyerno at tutulungan ang mga kababayan na gustong magsimula muli ng buhay sa probinsiya.
Ayon kay Go, tulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapag bibigyan ng pag-asa ang mga tao, makakaasa ng mas magandang kinabukasan.
Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng BP2, babalansehin ang pag-unlad at pagpaparami ng mga oportunidad sa mga rehiyon
Kaugnay nito, nanawagan si Go ng pagtutulungan sa iba’t ibang partner -agencies ng BP2 gaya ng DTI, NHA, DSWD at iba para patuloy na makapagbigay ng tulong sa mga kababayan.
Samantala, tiniyak din ni Go na makakaasa ng tulong mula sa Department of Agriculture ang mga gustong sumubok sa pagsasaka. (Mylene Alfonso)