Advertisers

Advertisers

Kidnap victim ng Abu Sayyaf natagpuang patay

0 279

Advertisers

WALA nang buhay nang makita ng mga sundalo ang isa sa mga kidnap victim ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.
Sa ulat ng Western Mindanao Command, nakita ng mga sundalo ang bangkay ng Indonesian kidnap victim sa may Barangay Maligay, Patikul habang nagsasagawa ng pagtugis sa mga nakatakas na ASG na kanilang nakasagupa nitong Miyerkoles.
Ayon kay WESMINCOM Commander, Lieutenant General Corleto Vinluan, Jr., batay report na nakuha nila mula sa ground, nakatakas ang kidnap victim mula sa abductors pero habang papalayo sa area ay pinagbabaril ito mga terorista.
Nakuha ang bangkay ng Indon sa may 300 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng engkwentro.