Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
INABANGAN ng KathNiel fans ang pahayag nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa TV Patrol tungkol sa kanilang pagpapakasal.
Nabulabog ang buong KathNiel fans at followers nang mag-upload ang ina ni Daniel na si Karla Estrada at ina ni Kathryn na si Min Bernardo ng wedding gown at wedding invitation.
Natural na natuwa at na-excite ang lahat dahil hula nila ay ikakasal na nga ang dalawa.
“We`re getting married!” sabay na pahayag ng dalawa.
Ito raw ay magaganap sa pinakabago nilang project under Star Cinema na may titulong “The House Arrest of Us” na first digital movie series ng nasabing production outfit. Paglilinaw na hindi raw ito sequel ng blockbuster movie nilang 2 years ago na “The House of Us.”
Ang kuwento ng The House Arrest of Us ay isang romantic family digital movie series na tungkol sa dalawang tao na na-lockdown kasama ang kani-kanilang pamilya. May 13 part ang serye na nagsimula nang mag-shoot.
Ito na rin ang first project nina Daniel at Kathryn under new normal at aminado ang dalawa na challenging sa lahat at sa buong team.
“Kakaiba yung experience na nandito kami sa parang village style, subdivision, parang kaming nasa bubble lang din na walang puwedeng lumabas, wala ring puwedeng pumasok. Kami-kami lang din yung nandito and astig-astig din niya,” say ni DJ
Ayon pa kay Daniel, kaya raw nila ginawa ang project ay para mabigyan ng kasiyahan ang mga tao sa panahon ng pandemya.
“Ngayon sa panahon natin na ang daming binibigay na pagsubok at problema, gusto nating magbigay ng ngiti,” say pa ni Daniel.
Magsisimulang mapanood na raw ang bagong digital movie series nina Daniel at Kathryn sa October, kasama sina Dennis Padilla, Ruffa Gutierrez, Gardo Versoza, Hyubs Azarcon at Herbert Bautista.