Advertisers

Advertisers

DOH: Pagbubukas ng mga industriya ‘di puede biglain

0 258

Advertisers

UPANG magtuloy-tuloy ang pagbubukas ng ekonomiya sa bansa ay kailangang manatiling sumunod sa minimum health standards.
Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na tulad na rin aniya  ng sinasabi ng mga eksperto na  “we have to live  with  the virus” ngunit kailangang maging maingat  pa rin dahil sa may hinaharap pa  rin krisis ang bansa dahil sa Covid-19.
Ayon pa sa opisyal, hindi puwedeng biglain ang pagbubukas ng industriya gaya na rin ng apela ng ilang sector sa Department of Trade and Industry (DTI) na payagan na silang makapag-operate muli ng 100% sa ilalim ng general community quarantine status.
Paliwanag  ni Vergeire, darating  ang  panahon  na unti-unting magbubukas ang iba’t-ibang sector  upang magtuloy-tuloy ang pamumuhay ng mga tao.
Ngunit ang pag-aaral at pagdedesisyon ay nakadepende pa rin sa  Inter-Agency Task Force. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)