Advertisers

Advertisers

Crazy in Love With You, pelikulang kakikiligan

0 685

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAKATUTUWA at kargado sa pangpakilig na mga eksena ang masasaksihan sa pelikulang Crazy In Love With You.

Kung ‘di nyo pa naranasang magkaroon ng sikretong tagahanga, panoorin ito at ipadarama ng pelikula kung paano maranasan ang masaktan, mabigo, bumangon mula sa sunud-sunod na dagok, ‘ika nga ng kapalaran.



Ang katatagan ng isang tao ay napakalaking bagay upang magpatuloy at hindi mawalan ng pag-asa dahil sarili mo lang ang mag-aangat sa iyo sa bandang huli.

Kung naranasan mo naman ang ganito, ang magkaroon ng sikretong tagahanga, ang mapagtaksilan, at malugmok, mapatutunayan mo sa sarili na ito rin ang huhubog sa iyo upang maging matatag at mas mabuting tao sa bandang huli.

Si Jayda Bertolli ay bata at maganda, nakapaglathala ng sariling libro, matagumpay sa murang edad, bukod sa nakapagtapos sa kolehiyo.

Wala ka ng hahanapin pa, nasa kanya na lahat. Pero para sa dalaga ay may kulang pa rin. Iyong pakiramdam na mas mahal niya ang nobyo kaysa sa mahal siya nito. Hanggang sa napatunayan niya nang makita mismo ang kataksilan nito.

Labis siyang nasaktan ngunit itinuon ang sarili sa pag-aaral mula sa self-help guru hanggang sa makakita ng magandang trabaho upang kahit paano ay makalimot.



Hanggang isang araw nagsimula siyang makatanggap ng mga bulaklak mula sa sikretong tagahanga at ang mga sumunod na tagpo ay inyong masasaksihan sa pelikulang Crazy In Love With You na isinulat mismo ng Executive Producer nitong si Ms. Romina Wilcox.

Mga Kapamilya stars ang bida rito sa pangunguna nina Claire Ruiz, Miko Raval, Mike Lloren, Ariella Arida,Tanya Gomez, Coleen Perez, Ara Altamira, John Arcenas, Irene Solevilla, Zyrn Laguitao, Jay Gonzaga, Pantene Palanca, MJ Cayabyab, Myhca Bautista, at Angelo Patrinomio. With Lotlot Bustamante, Sasi Casas, LM Torres, Clyde Enriquez, Jojo Vitug, Ching Reyes, Pau Benitez at marami pang iba.

Line Producer dito si Mike Lloren at pamamahalaan naman ni Edwad James (EJ) Salcedo ang naturang pelikula.

Maraming aral at rebelasyon ang Crazy In Love With You, kaya ito’y isang pelikulang garantisadong kaabang-abang.