Advertisers

Advertisers

Cavite pinayagan ang pagdalaw sa sementeryo

0 344

Advertisers

PINAYAGAN ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite ang pagdalaw sa mga sementeryo mula Oktubre 1 hanggang 27.
“Bawal po ang kainan kahit sa mga pribado at sosyal na libingan. Mga alta, matutong makisama. Kung bawal ang kainan, lalong bawal ang inuman at lasingan,” ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla.
Naglatag din ng mga alituntunin ang gobernador sa mga bibisita.
Pinagbabawal ang pagkain at pag-inom ng alak lalo na ang pagbi-videoke sa publiko o pribadong sementeryo.
Bawal rin ang pagtitinda pagkain at inumin sa loob ng sementeryo.
Hindi rin pinahihintulutan ang pagdalaw ng 18-anyos pababa.
Ayon din dito, nasa lokal na pamahalaan ang pagpapasya sa kapasidad ng bawat sementeryo.
Mandatoryo din ang pagsusuot ng face mask at face shield.
“Dahil sa pandemya, kailangan pa rin nating paulit-ulit na ipaalala ang social distancing rules. Lagpas 10,000 na ang positibo sa COVID dito sa Cavite at malakas ang kutob ko na baka lalong kumalat ang sakit na ito ngayong papalapit na Undas,” ani Remulla.
Bukas ang mga sementeryo mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-7:00 ng gabi sa mga araw na pinahintulutan.(Irine Gascon)