Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA lahat ng fake news na ikinakalat ng mga mapag-imbentong blogger na naglipana talaga ng parang mga kabute, ang pamamalaam na raw ng 40 years ng Eat Bulaga sa ere at sa October 9 na raw ang huling episode ng programa na sobrang fake news na ewan kung saan napulot ng mga walang kredibilidad na bloggers.
Una, existing pa ang contract ng Tape Incorporated sa GMA7 bilang blocktimer para sa lampas apat dekada ng number one longest-running noontime variety show. Pangalawa, patuloy sa paghahari sa ratings game ang EB kahit na nasa free channel pa ang katapat na It’s Showtime.
Pangatlo at panghuli, madalas sabihin ni Tito Joey de Leon na habang may bata ay may Eat Bulaga kaya kahit nariyan pa rin ang pandemic ay tuluy-tuloy niyong mapapanood ang nasabing show sa Kapuso network.
Patok pa rin hanggang ngayon ang iba’t ibang segments ng Eat Bulaga lalo na ang “BAWAL JUDGEMENTAL” na hindi talaga pagsasawaang panoorin. Dahil totoong kwento ng buhay mula sa mga dabarkads natin na parte rito araw-araw ay marami ang nakare-relate sa istorya nila.
Nariyan din ang kanilang Pinoy Henyo Online na may pwedeng manalo rito ng libreng load manood lang mula umpisa hanggang dulo. Kaya ating samahan mula Lunes hanggang Sabado si Bossing Vic Sotto, Joey de Leon, JOWAPAO (Jose Wally and Paolo) at ang AlDub love team na sina Maine Mendoza at Alden Richards plus Pia Guanio and others.
Isa rin sa inaabangan ay ang “Pamilya Nunal” na kinabibilangan nina Maine and Paolo at ang gumaganap nilang nanay na sina Wally at Jose bilang kanilang tatay at may celebrity guest sila rito. May paayuda rin araw-araw para sa mapipiling Lucky Dabarkads na same day ay makukuha agad ang cash prize na pwedeng mapanalunan sa Palawan Express Padala.
Maliban sa GMA7 ay patuloy niyong mapapanood ang Bulaga sa kanilang Youtube Channel na may 2,61M subscribers at EB Facebook Fanpage na nasa 17,961, 335 followers.
***
Dovie Red Defender Sa Basher And Trolls Si Kervin Sawyer, Singer At Brother Na Si Kenneth May Guesting Sa MICO LIVE At KUMU LIVE
Nitong mga nakaraang araw, dagsa na naman ang bashers ng BFF naming si Dovie Red (dating Dovie San Andres) at kalokah, pati bagong Youtube channel nito ay ginugulo ng basher na makakafal ang face at gusto lang i-harass ang controversial social media personality.
Mabuti na lang at maliban sa inyong kolumnista ay nasa tabi rin ni Dovie ang idol sa Sawyer Brothers na si Kervin na defender niya at palaban din sa mga troll na ayaw tigilan si Dovie. Hindi lang tagapagtanggol ang papel ni Kervin kundi madalas siyang magbigay ng unsolicited advice sa itinuturing nilang Kapamilyang personalidad.
Sobrang touched si Dovie sa magandang gesture na ‘to ni Kervin na never na sinamantala siya kaya mataas ang respect niya sa said singer.
Samantala, sa fans ng Sawyer Brothers na na-miss ang kanilang idolong sina Kervin at Kenneth, pakisuportahan niyo ang kanilang guesting sa Mico Live at KUMU Live. Fast growing internet channel itong KUMU at may big celebrities na mga nag-guest na rito.
Sa mga gustong mapanood ang Sawyer Brothers available ang kanilang guesting sa KUMU LIVE sa Android and IOS Phones. Malay niyo kantahin nina Kervin at Kenneth ang kanilang mga single na “45” at “Ghosting,” etc.