Advertisers
NAARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bugaw na sangkot sa prostitusyon sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric B. Distor ang suspek na si Realyn Abellana alyas Emcee.
Nag-ugat ang operasyon ng NBI-MIMAROPA Regional Office nang makatanggap ng impormasyon ang kawanihan na isang Emcee ang sangkot sa prostitusyon sa lalawigan.
Inaalok ni Emcee ang mga babaeng prostitute ng sexual services kapalit ng pera.
Sa isang hotel sa Calapan City nadakma ang bugaw, kasama ang tatlong babaeng bayaran, kapalit ng P6,000.
Ipinrisinta na sa inquest proceedings sa Office of the Prosecutor sa Calapan City si Abellana para sa kasong paglabag sa R.A. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. (Jocelyn Domenden)