Vice mayor, mga konsehal mula Iloilo namasyal sa Boracay kasama ang isang direct contact ng nasawi sa covid
Advertisers
NAMASYAL sa isla ng Boracay nitong weekend ang bise alkalde at ilang Sangguniang Bayan members sa Iloilo City, kungsaan isa sa mga opisyal ay kailangan sumailalim sa swab test dahil ka-trabaho nito ang anak ng isang covid positive na nasawi.
Ang bise alkalde ay na-kilalang si Lito Ilisan ng Potatan, Iloilo. Hindi na pinangalanan ang mga kasamahan niyang SB members, kabilang ang SK Municipal Federation president.
Ito’y kinumpirma ni Pototan Mayor Adi Lazaro.
Paglilinaw ni Mayor La-zaro, hindi nakapagpaalam sa kanya para bumiyahe ang mga mga naturang opisyal para sa biyahe ng mga opisyal.
Napag-alaman na ang ama ng SK President, Berto Mendoza, na empleyado ng Iloilo Provincial Hospital ay sumama rin sa Boracay sa kabila na hinahanap ito para sumailalim sa swab test dahil ang kasama niya sa trabaho ay namatay ang ama na positibo sa COVID 19.