Advertisers
PATAY ang isang sundalo, habang 2 ang sugatan kabilang ang isa sa mga salarin, nang mag-amok ang huli sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, Martes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si SSgt. Joefrey Turqueza; at sugatan si SSgt. Vivencio Raton; at salarin na si A2C Christopher F. Lim, pawang nakatalaga sa PMA, Fort Del Pilar, Baguio City.
Sa report, 4:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa B-1022 EP Barracks ng PMA. Nagkukuwentuhan sina Turqueza at Raton sa 2nd floor ng barracks nang dumating si Lim, nilapitan ang dalawang biktima at pinaputukan gamit ang M16.
Bagama’t mayroon nang tama ng bala, nagawang maagaw ni Raton ang baril mula kay Lim at nabaril ito. (Mark Obleada)