Advertisers
ARESTADO ang lima katao, kabilang ang isang barangay chairman nang maaktuhang nagsusugal at nag-iinuman sa Purok Ambalata, Barangay Balagabag, Kayapa, Nueva Vizcaya
Kinilala ang mga dinakip na sina Barangay Kapitan Jovito Fernandez, 36, may asawa, ng Brgy. Balagabag; Luis Antonio, 36; Sandy Alaws, 40; Amor Dicla, 45; at Noriel Sabino 19, pawang magsasaka at residente ng nabangit na lugar.
Ayon sa ulat, isang concerned citizen ang nag-report sa pulisya na may mga nag-iinuman at nagsusugal sa nasabing lugar, at ang pasimuno ang mismong barangay chairman.
Sinabi ni P/Staf. Sgt. Andrew Basilang ng Kayapa Police Station na hindi makausap ng maayos ang punong barangay dahil sa kalasingan.(PFT team)