Advertisers

Advertisers

Pari pinatay sa Rizal

0 547

Advertisers

BUMUO ng isang kumite si Antipolo Bishop Francisco de Leo upang magsagawa ng imbestigasyon sa pagkapaslang kay Father Nomer de Lumen na natagpuan ang katawan na may mga tama bala ng baril.
Dating Parish Vicar ng St. John the Baptish Church sa Taytay, Rizal si Fr. De Lumen.
Sa kautusang inilabas ni Antipolo Bishop Francisco de Leon, itinalaga sina Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco na chairman ng kumite at kabilang sa mga miyembro sina Fr.Ally Barcinal at Exorcist Priest Fr. Jeffrey Quintela.
Layunin ng investigation body na alamin ang katotohanan sa pagkapaslang kay Fr. De Lumen na may ibayong paggalang sa simbahan at dignidad ng pari.
Binigyan ni Bishop de Leon ang kumite ng hanggang katapusan ng Nobyembre 2020 upang isumite ang resulta ng imbestigasyon.
Ang pagbubukas ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Fr. De Lumen ay bunsod ng kahilingan ng pamilya ng pari.
Natagpuang patay si Father De Lumen noong Setyembre 9, 3:45 ng hapon sa loob ng kanyang kuwarto na may tama ng bala sa baba.
Natagpuan sa crime scene ang isang revolver at dalawang bala. (Jocelyn Domenden)