Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
NAGING positibo ang mga programang ni-launch ng Kapatid Network TV5 nitong Agosto at walang humpay ang pagsulong nito ngayong taon. Totoo ngang bukas na ang bakuran ng TV5 para sa sino mang interesadong maging parte ng kanilang network.
Isa ang Archangel Media sa mga production companies na naglabas ng mga kaaya-ayang shows. Ito ang movement na inulat ng istasyon. They are interested and willing to give anyone a platform.
Isang “democratic broadcasting process” ang pinangunahan ngayon ng Kapatid Network, ito ang hayag ng Head of Programming ng TV5 that puts them now in a better position to work with anyone in the industry.
Sinimulan ng TV5 sa mga nakatutuwang game shows na aabot na sa milyon ang mga papremyong pinamimigay. Binibidahan ito ng mga kilala at batikang komedyante sa industriya kabilang na sina Pokwang, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Ang Fill in the Bank at Bawal na Game Show ang namuno sa primetime evenings nang magsimula itong i-ere noong Agosto 15.
Sa umaga naman ay pinamunuan sa telebisyon ang morning show na Chika, Besh! na pinangungunahan nina Pauleen Luna-Sotto, Pokwang, at Ria Atayde. “Salamat at may trabaho na tayo,” hayag ng komedyanteng si Pokwang sa isa sa mga interview na ito na matagal na ring wala sa kanyang dating network. Sinabi rin ng aktres na sa panahon na ito, ‘di na importante kung saan pa galing na network. Ito na marahil ang isa sa mga pagkakataon na nagsama-sama ang mga artista ng iba’t ibang network.
Sa unang dalawang buwan na pag-ere ng Kapatid Network ng kanilang mga bagong program, nagkaroon ngayon ng rason ang mga manonood na buksan nila muli ang kanilang telebisyon at panoorin ang kanilang mga paboritong artista. Namayagpag ang ratings bagaman bago ang mga concept ng shows.
Kabilang sa mga ito ang pagbabalik ni Ryan Agoncillo bilang host ng Bangon Talentadong Pinoy, isang talent reality show na ngayon ay nagiging viral sa dami ng mga nag-aabang sa mga talentong sumasali sa programa.
Batikan na broadcast journalist na si Luchi Cruz-Valdes naman ay nagpakita ng kakaibang side nito sa Usapang Real Life. Nakailang beses na rin na nag-viral ang episode nito sa mga nakaraang linggo sa mga pasabog ng kanyang mga ininterview kasama sina KC Concepcion at Alessandra De Rossi. Si Jessy Mendiola naman na kilalang former Star Magic Talent ay nagkaroon na rin ng sarili niyang fitness and lifestyle show, Fit for Life.
Pinakita ng aktres ang dedikasyon niya at ngayon ay nagsisilbing inspiration sa marami upang unahin ang sarili at ang kanilang kalusugan.
Maraming surpresang nakasalang ang istasyon 5 sa mga susunod na buwan. Bago lamang nagtapos ang Setyembre ay naglabas sila ng popular Koreanovelas series, Wok of Love and Reply 1988 na hataw sa ratings – ngayon Tagalized na para sa Pinoy.
Inanunsyo rin ng TV5 ngayon na makakasama na nila ang batikang newscaster na si Ted Failon matapos ang kontrata nito sa ABS-CBN.