Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAGING matalinhaga ang mga post ng mga mudrakels nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sina Mommy Min at Karla Estrada sa kanilang social media account.
May mga post kasi na wedding gown si Mommy Min.
Samantala, sa post naman ni Karla ay envelopes ito na tila invitation.
Kaya naisip ng followers ng KathNiel na tila may kasalan na magaganap sa couple at ang mga nanay pa ng KathNiel ang nagpapahiwatig sa socmed.
May mga sitsit na baka raw gimik lang ito dahil na rin sa upcoming sitcom ng dalawa. Noon pa man inamin ni Daniel na baka nga mga apat na taon pa bago sila ikasal ni Kathryn at beach wedding ang dream nila.
Ikinatuwa naman ng fans kung humantong sa dulo na sila pa rin ang magkatuluyan.
May isa naman follower ang pumalag at nagsabi na baka si Karla ang ikakasal dahil marami itong friends sa showbiz na bumati sa magaganap sa buhay ng mudra ni Daniel.
Well, well, well… ‘Yun na!