Advertisers
Gud pm po, Sir!, Ma’am ng DOLE: Nais ko pong iparating sa inyo yung ginagawa ng kumpanya ng RC NEW CHEMICAL RESOURCES na panggigipit sa mga empleyado gaya po ng swab test. Payag naman magpa-swab test ang lahat. Ang gusto lang naman na kung sakaling magpa-positive eh may makukuhang tulong, sample ng panggastos sa araw-araw. Eh bigla nalang magpapauwi ang HR namin. Ang katwiran kung ayaw magtrabaho umuwi, eh nasa ilalim pa tayo ng PANDEMIC. Sana naiintindihan nila kalagayan namin. Sana aksyunan ng DOLE ang hinaing ng mga empleyado ng RC NEW CHEMICAL na wala na sa ayos. – Concerned citizen lang po
May naniningil ng process fee sa SAP sa Valenzuela City
Magandang araw po! Nais po lamang naming ipabatid sa aming mahal na mayor ng Valenzuela at sa mga namumuno ng DSWD na naging talamak ang singilan sa barangay MALINTA ukol sa SAP. Sumingil po sila ng halagang 500 piso hanggang P2k para sa proseso ng aming mga papeles. Sana po mabigyan ng aksyon ng mga kinauukulan ang ganitong katiwalian. – Concerned citizen
(Editor: Ireklamo nyo po sa inyong mayor para makasuhan ang naniningil ng process fee sa SAP)
Ibang miembro ng 4Ps pinangsusugal ang pera at tamad nang magtrabaho
GUD AM SIR/MAAM. PWEDE NYO IPARATING SA DSWD KASI YONG IBANG MIEMBRO NG 4PS SINUSUGAL NILA AT PINI-PRENDA PA NILA AT INUUTANGAN PA. AT ANG IBA YONG MGA ASAWA NILA NASA ABROAD PA AT TINATAMAD NA GUMAWA ANG IBA KASI UMAASA SILA SA 4PS KAHIT MALIIT LANG TINATANGGAP NILA. SANA GAMITIN SA TAMA, KASI SAYANG LANG ANG PERA NG GOBYERNO KUNG GANYAN GINAGAWA NILA . MARAMING SALAMAT PO