Advertisers

Advertisers

Kim binigyan ng ‘premyo’ sa pagiging loyal Kapamilya

0 300

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

BAHAGI na ng It’s Showtime si Kim Chiu. Nu’ng Lunes ay pormal na siyang winelkam bilang pinakabagong host ng nasabing noontine variety show ng Kapamilya network.

Bago pa idinagdag sa It’s Showtime si Kim, madalas na siyang nagge-guest co-host dito kapag may mga absent na host. At dahil mahusay sa hosting, naging dahilan ito para nga gawin na siyang regular mainstay.



Emosyonal na nagpasalamat ang tinaguriang Chinita Princess sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Showtime family. Sabi niya, “Thank you na pinayagan ninyo ako na tumuntong dito and makasama kayo. Masaya ako na araw-araw tayong tatawa kasama ang madlang people. Maraming salamat. Kapamilya Forever tayo.” Maraming fans naman ni Kim ang natuwa sa balita at sinalubong siya sa social media dahil ito ang naging numero unong trending topic sa Twitter Philippines ang hashtag na #ShowtimeCHINITAnghali.

Bukod sa It’s Showtime, magkakaroon din ng bagong serye si Kim sa Kapamilya channel. O di ba, love talaga ng ABS-CBN ang dalaga? Hindi nila ito pinababayaan. Tama lang pala na nananatiling loyal ito sa kanila. Hindi siya katulad ng iba na lumipat na ng ibang network.

***

YAYO MAS PINAGPE-PRAY NA LAGING BIGYAN NG TRABAHO KAYSA LOVELIFE

HANGGANG ngayon ay wala pa ring lovelife si Yayo Aguila. After nilang maghiwalay ng dating matinee idol noong 80’s na si William Martinez, hindi pa uli siya pumapasok sa isang relasyon.



Pero okey lang naman sa kanya na single pa rin siya. Hindi raw niya priority ang lovelife.

“Kapag nagdarasal ako, hindi ko hinihiling kay Lord na bigyan Niya ako ng boyfriend. Ang dinadasal ko, ‘yung sana lagi Niya akong bigyan ng trabaho. Priority ko ang work kesa ang magkaroon ng boyfriend,” sabi ni Yayo.

Natutuwa naman si Yayo na dinidinig ni Lord ang mga dasal niya. Hayan nga at hindi siya nawawalan ng trabaho. Kabi-kabila pa rin ang dating ng offer sa kaya, sa telebisyon at pelikula.

Sa ngayon, napapanood siya sa BL series na My Extra Ordinary, na bida sina Darwin Yu at Enzo Santiago. Gumaganap siya rito bilang nanay ni Enzo. Napapanood ito tuwing Linggo sa TV5,11:00pm.

“Gusto ko lang pasalamatan ‘yung lahat ng nanood ng pilot episode namin nu’ng Linggo. Natutuwa naman kami sa magagandang feedback na natatanggap namin mula sa mga nakapanood. Nagustuhan nila ‘yung show.”