Advertisers

Advertisers

Killer ng online seller sa Malabon, tiklo

0 246

Advertisers

NASAKOTE ng mga awtoridad sa follow-up operation ang pangunahing salarin sa pagpatay sa isang online seller nitong Lunes ng gabi sa Malabon City.
Kinilala ang salarin na si Fernand Rafael alyas “Kevin Rafael” at “Balat”, 26, helper sa Malabon Fish Port.
Naaresto ang salarin ng pinagsanib na mga tauhan ng Sub-Station 5 at Special Reaction Unit (SRU) ng Malabon Police 12:00 ng tanghali nitong Lunes sa kanyang bahay sa 19 Gen. P. Boromeo St., Brgy. Longos.
Sa ulat, naestablisa ng mga imbestigador ang motibo ng salarin sa pagpatay kay Jerico Camino, 31, nang pagbabarilin nito kasama ang isang hindi pa kilalang kasabwat sa harap mismo ng kapatid ng biktima sa kanto ng Maya-Maya at Pampano Sts., Brgy. Longos nitong Lunes, 8:13 ng gabi, habang naghihintay ng customer ng kanyang online delivery.
Napag-alaman na nakulong na si Rafael kamakailan nang maaresto at kinasuhan ng biktima ng robbery, subali’t nakalabas sa pamamagitan ng piyansa.
Sinubukan ni Rafael na makipag-areglo, subali’t tumanggi ang biktima at sa halip itinuloy ang kaso laban sa kanya, naging dahilan upang patayin nito si Camino.
Nadiskubre rin ng pulisya na may standing warrant of arrest si Rafael mula kay Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Carlos M. Flores ng Branch 73 sa paglabag sa Section 10 ng R.A. 7610 o ang Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination.(Beth Samson)