Advertisers
ARESTADO ang isang dating barangay treasuser kaugnay ng kasong estafa at swindling dahil sa panloloko sa ilang negosyante gamit ang pekeng gold bar sa Ilagan, Isabela.
Inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Andrew Barcena ng Regional Trial Court Branch 17, 2nd Judicial Region City of Ilagan ang ginang na itinago sa pangalang Brenda, 33, dating barangay treasurer sa siyudad ng Ilagan.
Sa report, niloko umano ni Brenda ang ilang negosyante at nakatangay ng milyon-milyong piso sa mga katransaksyon na naninirahan sa Brgy. Villa Magat, San Mateo, Isabela.
Sinabi ng isa sa mga biktima na si Annie, natangayan siya ng akusado ng P2.7 million para umano sa iaahong gold bar na hinuhukay sa kanilang treasure site matapos makumbinse ni Brenda.
Bukod kay Annie, may ilan pang nalinlang ang akusado na pinangakuang bibigyan ng gold bar sa sandaling maiahon sa treasure site umano.
Modus ng akusado na matapos makuha ang malaking halaga, mawawala na lamang ito na parang bula.(PFT team)