Advertisers

Advertisers

APOR di na kailangan ng travel pass sa pagsakay sa provincial bus

0 319

Advertisers

KINUMPIRMA ni Joint Task Force Covid Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazr na hindi na kailangang kumuha pa ang Authorized Persons Outside Residence (APOR) ng travel pass kapag sasakay sa mga provincial bus.
Ayon pa kay Elazar kailangan lamang magpresenta ng Certificate of Employment ang mga manggagawa kung may kinalaman sa trabaho ang biyahe sa mga lalawigan.
Nilinaw naman ni Eleazar kailangan pa rin magpakita ng travel pass ang mga indibidwal na hindi kinokonsidera bilang APOR. (Josephine Patricio)