Advertisers

Advertisers

‘SALES AGENT’ TINODAS SA LOOB NG KOTSE SA LAGUNA

Gamit na kotse peke ang mga dokumento?

0 280

Advertisers

LAGUNA – Nakabusal ang bibig, may tali ang mga kamay at paa nang matagpuan sa loob ng kotse ang bangkay ng isang sales agent sa bahagi ng Barangay Lawa, Calamba City, Lunes ng umaga.
Sa inisyal na ulat ni Police Lt. Col. Gene Licud, hepe ng pulisya, 6:00 ng umaga nang matagpuan ng mga residente sa lugar ang kotseng Kia Picanto na kulay gray at may conduction sticker na EF-2112 na nakahimpil sa tapat ng Torres Vulcanizing Shop at may tumutulong dugo mula sa loob.
Agad itong ipinagbigay-alam ng mga residente sa pulisya at sinuri ng nagresponding mga kagawad ng Scene of Crime Operatives (SOCO).
Ang bangkay ng lalaki ay natagpuan sa gawing likuran ng sasakyan. Nakagapos ang mga kamay at paa at nakabusal ang bibig ng biktima.
Sa unang pagsisiyasat, hinihinalang pinalo ng matigas na bagay sa kanyang ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Nakita sa loob ng sasakyan ang isang identification card na nakapangalan sa isang Dennis V. Silva, sales staff ng LVS Boutique, residente ng Alfonso Homes, Sta. Rosa City.
Kinumpirma ng pulisya na ang bangkay ay ang may-ari ng ID, si Silva.
Nakita rin sa loob ng sasakyan ang peke umanong dokumento ng sasakyan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.(DICK GARAY)