Advertisers

Advertisers

Sa pagtanggal sa FB accounts na ‘pumapabor’ sa gobierno: PRRD galit sa Facebook, pero walang balak i-ban sa Pinas!

0 239

Advertisers

NAGPAHAYAG nitong Martes ng sama ng loob ang ang Palasyo laban sa social media giant na Facebook matapos ang ginawa nitong pagbura sa ilang “pro-government” accounts at pages dahil sa “coordinated inauthentic behavior”
Tinanggal ng Facebook ang China-based, PH military at police-linked networks dahil sa mga ‘coordinated inauthentic behavior’
Kinuwestiyon mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte nung Lunes ang ginawa ng Facebook sa binansagan niyang mga “advocacy” page na pabor sa kanyang gobierno.
“From what I have learned in the past days, na pati ang advocacy ng gobyerno tinatanggal. So what’s the purpose of you being here? We allow you to operate here, hoping that you can help us also. Now, if government cannot espouse or advocate something which is good for the people, then what’s your purpose in my country?” birada ni Pangulong Duterte sa Facebook.
Sinegundahan ito ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Martes at sinabing maikokonsiderang “censorship” ang ginawa ng dambuhalang social media network.
“Hindi issue ang fake news ngayon. Ang issue ngayon eh, anong epekto ng pagtatanggal ng pages na yan? The Philippine government submits it’s a form of censorship,” sabi ni Roque.
Nauna nang sinabi ng Facebook na ang “behavior” ng pahina ang kanilang nire-regulate o pinupulis, hindi ang “content” nito.
Sabi ni Roque, nabahala lang ang Pangulo partikular sa pagbura sa “Hands Off Our Children” page na lumaban umano sa mga grupong nagre-recruit ng mga bata.
Pero sabi ng ilang grupo, talamak ang red tagging sa naturang pahina.
Nilinaw ni Roque na wala namang balak si Duterte na ipa-ban ang Facebook sa bansa, pero gusto lang niya makausap ang management nito hinggil sa umano’y hindi pagiging patas.
“Ang punto dito bakit kapag pabor sa gobyerno tinatanggal? Kapag pabor sa oposisyon hindi tinatanggal?” tanong ni Roque.
Hinihikayat ni Roque ang kampo ng mga pahina na binura ng Facebook na idulog sa korte ang isyu.
“I encourage ‘yung mga grupo ano, the pro-government, pumunta sa ating mga hukuman at tingnan natin ang ruling ng ating mga hukuman,” ani Roque.