Advertisers

Advertisers

PAGBIBITIW

0 574

Advertisers

NAG-ALOK si Rodrigo Duterte na magbibitiw dahil sa lantaran at malakang korapsyon sa bansa. Hindi nga lang malinaw kung kanino inalok at kung paano. Mukhang inalok niya sa sarili. Sumagot ang kanyang sarili at ano pa? Tumanggi ito. Lubhang masamang biro ang usapin ng pagbibitiw.

“Tsismis: As president, Duterte submitted his resignation to himself, but he has rejected it. Patay tayo,” ani Jose Orogo, isang netizen. Hindi magkamayaw ang mga netizen sa pagtuligsa sa tila batugan na pangulo. Hindi nila matanggap ang katwiran ni Duterte na “nagsasawa” na siya sa korapsyon.

Paano magsasawa kung siya mismo ang nagpapasimuno ng pagnanakaw sa pamahalaan, ayon sa mga netizen. Sobrang laki ng kanyang intelligence fund at hindi naman niya maipaliwanag kung paano ginagastos ang salapi ng bayan. Mahirap seryosohin ang kanyang binitiwang salita.



Mabuting itigil na lang ni Duterte ang pagsasalita tungkol sa pagbibitiw. Hindi lang isang dosenang beses na binanggit ni Duterte na gusto na niyang mag-resign. Mas maiging gawin na lang niya imbes na puro pagbabanta. Hindi makatotohanan na palagi na lamang siyang magbabanta na magbitiw.

* **

WALA nang saysay ang anumang kasunduan sa pagitan ng mga kasapi ng Kamara de Representante. Mga taong walang dangal ang karamihan sa mga kasapi doon. Ani Dindo Bellosillo, isang mamamahayag at netizen: “Now you know…. Kapag kongresista ang kausap mo, huwag kang umasa sa usapang lalaki.”

Mananatiling ispiker si Alan Peter Cayetano, ngunit mistulang langgam ang tingin ng sambayanan sa kanya. Siya ang taong nanguyapit sa puwesto. Ginawa niya ang lahat ng pagsisipsip at panggigipit basta manatili lamang sa poder. Hindi tunay na lalaki si Cayetano.

Ang masakit ay ang pagpapanggap ni Cayetano bilang isang Kristiyano. Hind namin alam kung itinuro ng Panginoon Hesukristo ang panlalamang sa kapuwa upang manatili sa poder. Ikinalulungkot namin na sabihin na wala kaming natitirang respeto sa kanya.



Ang paggalang sa isa’t isa ang moog ng pakikipagkapuwa-tao. Ito ang sandigan ng maayos na relasyon ng mga nilalang sa mundo. Kaya mahalaga ang salita. Mahalaga na sinusunod ang mga kasunduan. Bahagi ito ng paggagalangan ng mga nilalang.

Kung papasok sa mga kasunduan at hindi susundin ang mga kasunduan, anong silbi ng paggagalangan? Alalahanin na mahalaga ang karangalan na ang kasama palagi sa paggagalangan. Kahit mga tulisan ay may karangalan. Marunong silang tumupad sa mga napagkasunduan.

Ani Ranny Habaluyas, isang netizen at retiradong lingkod bayan: “A gentleman’s agreement is an agreement anchored on the character and honor of contracting parties.”

***

NOONG ika-27 ng Hulyo, nanakot si Duterte na kukunin ng gobyerno ang pasilidad ng PLDT Group at Globe Telecom upang hindi “uunlad ang kanilang serbisyo” sa publiko. Sa kanyang SONA sa Kongreso, sinabi ni Duterte na kakalampagin niya ang Kongreso upang bumuo ng isang batas na magtatakda sa pag-iilit ng estado sa mga ari-arian ng dalawang telco.

Walang nangyari. Galit lamang iyon ng may sumpong na matanda. Hindi kumilos ang gobyerno sapagkat wala silang nailatag na anumang panukalang batas na iilit sa ari-arian ng dalawang telco. Bukod diyan, nahalata na may ibang agenda si Duterte. Gusto niya na mapunta ang mga ari-arian sa Dito Telecommunity ang pangatlong telco na hindi makapag-umpisa ng commercial operations dahil sa kakulangan ng mga pasilidad tulad ng karapamtang bilang ng cell tower na magagamit sa isang pambansang operasyon.

Mahirap ang gusto ni Duterte. Lalabag sa Saligang Batas ang pag-ilit sa mga ari-arian ng dalawang telco upang ibigay sa pangatlo. Ngunit may solusyon na sang-ayon ang mga mambabatas. Imbes na ilitin ang assets ng dalawang higanteng telco, ipinasa ng Kongreso ang Bayanihan 2 Act upang masugpo at mapuksa ang Covid-19. Isa sa kakatwang probisyon ng BAHO-2 Act ay ang pag-aalis ng mga balakid upang maitayo ang mga cell site ng mga telco.

Pinagbawalan ng bagong batas ang mga local government units (LGUs) na pigilin ang mga telco sa pagtatayo ng cell tower. Kahit hindi diretsong susugpo sa pandemya, itinadhana ng bagong batas ang pag-aalis sa mga restriction sa pagtatayo ng cell site. Lumalabas na masaya ang lahat. Hindi inakala ni Duterte na tinulungan pa niya sa bandang huli ang dalawang telco na minumura niya.

Ganyan lang naman ang pagdadala kay Duterte. Hindi kailangan na harapin siya ng ngipin sa ngipin. Maganda na pinasasakay siya, inuuto, at hinihimas na sa akala niya siya pa rin ang bida kahit tinatadyakan na siya sa likod. Hindi naman talaga siya nag-iisip.

Topakin lang si Duterte. Padalos-dalos, pabigla-bigla, at pabugso-bugso. Wala sa kultura niya ang mag-isip. Hindi nga siya nagbabasa. Hindi siya nagtratrabaho. Kinukutya siya bilang isang part time president. Ang pinakamaganda ay hindi niya alam ang pagkutya sa kanya – kaliwa at kanan.

***

ISA kami sa mga nalungkot ng makita namin ang propaganda ng military tungkol sa Rep. Sarah Elago ng Kabataan Party List Group. Bukod sa tinawag si Sarah na isang “NPA recruiter,” hindi totoo ang mga detalye ng kanilang black propaganda.

Nang beripikahin ang nakalathalang case number, napag-alaman ng mga fact checker na hindi totoo ang kaso sa kanilang propaganda. Court case number pala ng asunto laban kay Sonny Trillanes. Sa maikli, fake news ang ikinalat na propaganda laban kay Sarah Elago.

Tahasang sinabi ng rappler.com na gumawa ng fake news ang militar. Hindi ito inaamin ng mga opisyales ng AFP. Nagkibit-balikat lamang. Nagpatay-mali. Parang walang nangyari ngunit malinaw na nagkamali ang mga sundalo.

Nang tanggalin ng Facebook ang mga post na fake news ng AFP at iba pang group sites na nagtatanghal ng mga black propaganda, pumuputok ang butse ni Duterte. Akala mo kung sino siyang diyos-diyosan na hindi mababali ang gusto niya. Nakakapanghilakbot.

***

MGA PILING SALITA: “Banning Facebook here is like banning progress. The madman is anti-progress. He couldn’t grasp meaning of progress. What’s new?” – PL, netizen

“Ipinasasara niya ang ABS-CBN kahit marami ang nagagalit. Ngayon, ipapaalis ng baliw ang Facebook. Mukha na tayong China.” – Patty Jimenez, netizen

“I refuse to believe that ours is a country without gentlemen and ladies, who don’t understand an agreement. Sa Kongreso lang iyon.” – Jing Dizon, netizen

“No amount of signatures can change the fact that you’re changing the rules of the game.” – Rep. Lito Atienza sa usapin ng ispiker

“Netizens should start counting the number of times the sick old man has promised to resign. There should be a running total.” – Mylene Otis, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com