Advertisers

Advertisers

P2.1m cocaine nasamsam sa 4 tulak

0 340

Advertisers

ARESTADO ang tatlong lalaki nang makunan ng P2.1 million halaga ng cocaine sa buy bust operation sa Zamboanga City.
Kinilala ang mga naareston na sina Jawawi Landasan Alih alias Jhonny, 25, ng Barangay Suterville; Abdel Joran Nasser, 24, ng Brgy. Campo Islam; Leo Myr Dela Calzada Toribio, 35, ng Brgy Sangali; at Alfred Rico Alvarez, 42, Brgy. Tetuan, lahat ng Zambonga City.
Ayon sa ulat, 5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng Zamboanga City Police Station 11, Regional Intelligence Division 9, Philippine Drug Enforcement Agency at 904th Company ng RMFB9 sa P. Lorenzo, Barangay Zone-4, Zamboanga City.
Nasamsam sa mga suspek ang 4 packs ng cocaine na may timbang na 400 grams na nagkakahalaga ng P2,120, 000. (Mark Obleada)