Advertisers
MANANATILI na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, gayundin ang lalawigan ng Batangas at mga lungsod ng Tacloban, Bacolod, Iligan at Iloilo.
Ito ang rekomendasyon na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na bagong community quarantine classification.
Samantala, isasailalim pa rin sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Lanao del Sur kasama rin ang Marawi City.
Isinailalim naman sa pinakamaluwag na community quarantine (MGCQ) ang natitirang 98 pang mga probinsiya sa bansa.
Magiging epektibo ang bagong community quarantine classification sa loob ng isang buwan na magsisimula sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 31.
Sa pulong sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na tatagal na lamang hanggang Setyembre 30 ang idineklarang MECQ sa Iloilo City. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)