Advertisers

Advertisers

Nagtalo sa ‘manok na pula’: Ret. Army tinodas ni Kuya

0 276

Advertisers

PATAY ang 56-anyos retiradong miyembro ng Philippine Army nang pagbabarilin ng nakatatandang kapatid dahil sa pagtatalo sa alagang “manok na pula” sa Barangay Labut Norte, Santa, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Edilberto Doctolero Nartatez, 56, may asawa; at ang salarin ay ang utol na si Modesto, 62, may asawa, at kapwa residente ng naturang lugar.
Sa ulat, nagkaroon ng mainit na sagutan ang magkapatid gabi ng September 27 nang paghinalaan ng biktima ang kanyang kuya na kumatay sa alaga ni-yang manok.
Ayon sa report, 6:20 ng umaga nitong Lunes, nilapitan ni Modesto ang biktima at sinabihang huwag nang magalit dahil bibigyan nalang niya ito ng manok.
Pero biglang nagalit si Edilberto at hinabol ng itak ang kanyang kuya.
Kumuha naman ng baril si Modesto at pinagbabaril ang kapatid hanggang sa mamatay.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Modesto.