Advertisers
ARESTADO ang isang security guard na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya nang nangholdap ito ng isang tindahan sa Quezon City.
Kinilala ang nahuli na si Aldrin Pemanuel.
Sa ulat, umorder muna ng tatlong leche flan ang suspek sa tindahan sa may Commonwealth Avenue. At nakipagkuwentuhan pa sa tindera bago umalis.
Ayon sa report, nang malapit nang magsara ang tindahan muling bumalik si Pemanuel at nag-alok na tumulong sa paglalabas ng basura bago nagdeklara ng holdap gamit ang isang kutsilyo.
Natangay ang halos P4,000 na kita ng tindahan at dalawang cellphone.
Agad nakahingi ng tulong ang biktima kaya nasundan at nahuli si Pemanuel.
Aminado ang suspek sa nagawang krimen. Aniya, natanggal siya sa trabaho bilang security guard dahil sa pandemya kaya siya nag-sideline na magbenta ng isda. Pero naubos daw ang puhunan niya kaya siya nang-holdap.(Boy Celario)