Advertisers

Advertisers

Duterte iniisip mag-resign, galit sa Facebook, at i-boycott kaya sa DDS?

0 335

Advertisers

SA kanyang pinakahuling miting kada Linggo ng gabi sa ilang piling miyembro ng kanyang Gabinete at kanang kamay na si Senador Bong Go sa Davao City, binanggit ni Pangulong Rody Duterte na inisip niya nang magbitiw sa puwesto dahil napagod na siya sa mga isyu ng korapsyon, hindi parin daw natitigil.

“There’s really no end to this corruption. It’s really hard to stop it. Up to now, it’s being committed every day. Can you stop it? You cannot. There’s no way, I’m telling you.”

Ang pagpuksa sa korapsyon ang isa sa mga ipinangalandakan ni Duterte noong nangangampanya palang siya. Tatapusin nya raw ang korapsyon sa gobierno pagkaupong-pagkaupo niya. Pero baliktad ang nangyari. Lalong lumala ang korapsyon sa kanyang apat na taon nang administrasyon.



Paano naman kasi matitigil ang korapsyon sa Duterte administration e sukat ba namang italaga uli ang mga opisyal ng mga nakaraang administrasyon na mga may rekord ng pangungulimbat. Nang mag-appoint naman ng mga retiradong opisyal ng PNP at AFP bumilang lang ng ilang buwan ay nangulimbat narin ang ilan sa mga ito. Naglagay din ng mga ka-brad na abogado, puros katiwalian din ang ginawa. Kaya nakulambuan ng korapsyon ang administrasyon.

Nang imbestigahan ng kongreso ang mga tiwali niyang opisyal, ipinagtanggol pa. Nang may sapilitang inalis, inilipat naman sa ibang puwesto. Mapapamura ka talaga, putahhh!!!

Kaya walang ibang dapat sisihin si Pangulong Duterte kung bakit talamak parin ang korapsyon sa kanyang administrasyon kundi ang sarili niya: Nagtalaga ng magnanakaw, ipinagtatanggol ang magnanakaw, tinanggal ang magnanakaw, ipinuwesto uli ang magnanakaw. Pukaw na mo!

Ito pa! Sa kanyang kampanya noong 2016, nangako siyang wawakasan ang iligal na droga “in 3 to 6 months”. Anyare??? Apat na taon na sila ngayon sa kapangyarihan… andami nang adik/tulak kuno ang bumulagta, may mga pulis at mayor naring minarder dahil sangkot daw sa droga, pero lalo pang bumuhos ang pasok ng illegal drugs sa Pilipinas. Paano naman kasi… ang mga nagpasok ng bilyon bilyong halaga ng shabu sa Pilipinas ay kapiktyuran ng kanyang dalawang anak. Tapos ‘yung kilalang drug lord, Peter Lim, ng Visayas nag-courtesy call pa sa kanya sa Malakanyang. Hanggang ngayon si Lim ay ‘di parin nahuhuli sa kabila ng bilyon bilyong intel fund ng Presidente, PNP at AFP.

Kaya tama ang banat ng mga kritiko ng administrasyon. “Failure” ang gobiernong ito sa kanilang promisses sa bayan. Mismo!



***

Tama rin naman itong si Senate President Tito Sotto. Hindi dapat magbitiw si Duterte lalo’t nasa gitna ng pandemya ang Pilipinas. Inihalal siya ng nakararaming Pinoy dahil umasang malulutas niya ang anumang problema sa gobierno, ng bansa, tungo sa pag-unlad nito.

Ang dapat magbitiw ay ang mga itinalaga niyang magnanakaw sa gobierno. Hoy… layas na kayo dyan!!!

Pakinggan lang ni Pangulong Duterte ang mga kolum ni Mon Tulfo at ang imbestigasyon ng Kongreso at Ombudsman laban sa mga korap sa gobierno ay malilinis niya na sa mga monster ang pamahalaan. Mismo!

***

Binanatan ni Duterte ang Facebook. Kung bakit daw tinanggal nito ang mga account na tumutulong sa gobierno laban sa mga komunista at mga naninira sa administrasyon, habang pinanatili ang sa kabila.

Hamon naman ng mga kritiko ng administrasyon, ipa-boykot nalang ni Duterte sa kanyang DDS ang FB. May susunod kaya? Wish ko lang! Hahaha…

Kaya naman tinanggal ng Facebook ang fake accounts ay dahil puros fake news ang pino-post ng mga ito. Kaya kayo dyan, kung ayaw nyo mabura sa FB, wag mag-fake news! Gud day!!!