Advertisers

Advertisers

Cyber sex den sinalakay ng CIDG, operator timbog

0 283

Advertisers

SINALAKAY ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang isang bahay na ginagamit na cyber sex den sa Barangay Mozon, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Naaresto sa raid si Ma. Cristina Dino, 27, operator ng cyber sex den.
Nailigtas naman sa lugar sina Lyka Manalo 19; Fatima Doroteo, 19; Josephine Mars Y Diaz, 34; at isang lalaki na minor de edad na kapwa cyber sex workers.
Sa report ni Police Maj. Rito Sibuala ng CIDG- Bulacan, huli sa akto ang cyber sex workers sa isang kwarto at naka-online na ang tatlo nang abutan ng mga operatiba ng CIDG at San Jose del Monte Police.
Ayon sa ulat, 4:45 ng hapon nang salakayin ang bahay sa Phase 3 Pabahay 2000, Brgy. Mozon. (Thony D. Arcenal)