Advertisers

Advertisers

4 paslit hinigop-patay ng ilog

0 259

Advertisers

NASAWI ang apat na babaeng paslit, kabilang ang tatlong magkakapatid, nang sabay-sabay na higupin ng agos habang naliligo sa Simuay River sa Maguindanao.
Kinilala ang magkakapatid na sina Rhea Balasa, 10; Rodelyn, 5; Renalyn, 8; at kalaro nilang si Jennifer Suizo, 11, pawang residente ng Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Sa report, 2:00 ng hapon nitong Setyembre 27 nang maganap ang insidente.
Ayon sa ulat, nagkaayaan maligo ang mga bata sa naturang ilog kasama ang kapatid ni Jennifer na si Jennelyn Suizo, 8.
Habang naliligo ang mga biktima, biglang lumakas ang agos at tumaas ang tubig sa ilog.
Nagkataon namang nasa mababang parte ng ilog si Jennelyn at nakita niya ang kanyang ate at magkakapatid na Balasa na nalulunod hanggang sa tuluyang maglaho sa tubig.
Agad humingi ng tulong si Jennelyn sa kanyang ina at sinabi ang pangyayari.
Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-Sultan Kudarat) sa lugar at inilunsad and search and rescue operation.
Makalipas ang ilang oras na paghahanap, natagpuan ang mga bata na nakalutang na sa ilog at pawang wala nang buhay.(PFT team)