Advertisers

Advertisers

WASTE SEGREGATION SCHEME, ISTRIKTONG IPATUPAD – ISKO

Panawagan sa 898 barangay:

0 334

Advertisers

NANAWAGAN si Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng 896 na barangay sa lungsod na istriktong ipatupad ang waste segregation scheme o paghiwa-hiwalay ng basura kasabay din ng kanyang pasasalamat sa ibang gumagawa na nito bago pa niya inanunsyo sa online na tuloy ang nasabing programa.

Ayon kay Moreno, malaking tulong ang waste segregation na magsisimula sa bawat tahanan upang matiyak na hindi mauuwi sa Manila bay o esteros ang mga basura na maari ring maging dahilan ng pagbaha.

Dahil dito ay umapela ang alkalde sa lahat ng mga barangay officials na paigtingin pa ang kampanya sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura.



Idinagdag pa ni Moreno na base sa ulat na isinumite ng Manila Bay Task Force, sinabi ng department of public services ng lungsod na pinamumunuan ni director Kenneth Amurao na ang mga barangay sa Districts 4, 5 at 6 sumusunod na sa itinakdang segregated waste collection system na ipinapatupad ng lungsod.

Bago pa nagsimula ang pandemya sinabi ni Moreno na Districts 4, 5 at 6 nagpapatupad na ng waste segregation program.

Nabatid kay Amurao na ang malawakang programa ay nagsimula na sa mga nabanggit na distrito pero nahinto dahil sa pandemya kaya naman ang programa ay ngayon pa lamang nagsisimula sa Districts 1, 2 at 3.

“Meron tayong programa na turuan at obligahin ang mga barangay at kabahayan na mag-segregate ng basura alinsunod din sa Republic Act 9003. Nagagawa naman po ng iba lalo na sa district 4,5,6 dahil sila po ang ating inuna sa malawakang Information, Education and Communication (IEC) campaign,” sabi ni Amurao.

Idinagdag pa nito na: “Nag-uumpisa na po sana tayo sa District 1,2,3 inabot ng Covid at medyo nawala rin ang momentum ng project nung mag-order ng mass clearing operations ang DILG dahil halos sabay-sabay na mga clearing at cleaning operations at binigyan natin ng priority na mahakot agad ang lahat ng uri ng basura at kalat pati debris, dahil na rin sa kautusan ni Mayor na isang malinis at maaliwalas na Maynila.”



Sa ngayon ayon kay Amurao, ang programa ay tinuloy na muli at maging sa online upang patuloy na paalalahanan at turuan ng tamang paghihiwalay ng basura at gayundin sa schedule ng garbage collection. (Andi Garcia)