Advertisers

Advertisers

TABLE TENNIS CLUB TOUR NG PTTF, PATOK SA KATIMUGANG LUZON

0 197

Advertisers

ABALA ang Philippine Table Tennis Federation (PTTF) sa pagbisita sa mga table tennis clubs partikular sa kanilang tour sa Timog Katagalugan ng Luzon.
Sa pamumuno ni PTTF president Ting Ledesma ay nasa kasagsagan na ng kanilang pingpong tours sa Batangas at Laguna kung saan ay kanilang kinukumusta ang na-ging estado ng kani-lang mga manlalaro sa panahon ng pandemya.
Sa pagiging punong-abala ng mga club officers at homegrown players ay naidaraos ang kanilang mga pocket games at exhibition matches in compliance with health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force/ Joint Administrative Order (IATF/ JAO) katunggali din ang dating miyembro ng table tennis team na si Ledesma. “Parang di naapektuhan ng pandemya ang mga manlalaro natin dito sa South. Kundisyon sila at laging handa sa oras nang magluwag na ang mga patakaran ng pamahalaan sa larangan ng sports,” wika ni Ting. “Ready sila anumang oras na may go – signal na ang pingpong. Ito ang magandang dulot ng backyard training pati virtual”
Kamakalawa ay binisita nina Ledesma ang Oliver Table Tennis Club sa Bgy. San Antonio, Santo Tomas, Batangas matapos ang club tours sa Biñan at Nagcarlan sa Laguna.
Katuwang ni Ledesma sa project tour sina PTTF secretary general Pong Ducanes at dalawang top players Joshua Manlapaz – numero uno sa cadet division 15-under at UST team standout Monmon Manlapaz. Sa naturang tour ay inaanunsiyo din ni Ledesma ang nakatakdang higanteng kaganapang PTTF Challenge Cup na hahataw sa pagpalit sa Modified General Community Quarantine mula GCQ stage sa Metro Manila.(Danny Simon)