Advertisers
HAHATAW ang pagsulong ng larangan ng sports sa bayan ng La Paz sa pagluwag na ng IATF – JAO directives sa buong kapuluan na nasa Modified General Community Quarantine kabilang na ang La Paz, Tarlac.
Ayon kay La Paz Mayor Venustiano Jordan, isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon ang sports laan sa mga kabataan para sa masigla, aktibong komunidad at upang matulungan din ang mga natatanging atleta ng bayan sa pagtupad ng kanilang pangarap sa hinaharap na maging manlalaro ng bansa na magiging dangal ng bayan ng La Paz.
Kamakailan ay pinasinayaan ni Mayor Jordan ang malawak na Macabulos Recreational Ballpark kung saan ay magiging venue para sa baseball at softball games, running at jogging sa paligid nito, calesthenics at zumba, badminton at volleyball fun games, football practice ground at may lugar din para sa chess at iba pang mindgames.
“It’s sports for all at the park. For young ones and young once. Para sa masiglang La Pazenans” pahayag ni Mayor Jordan na isang basketball enthusiast bago agawin ng pagiging isang lingkod-bayan na sa maikling panahon pa lang ng panunungkulan ay marami na ang napatunayan para sa kapakanan, kabuhayan, kalusugan, asenso at karangalan ng La Pazenans at matagumpay na napaglabanan ang krisis- pandemya.
Naka-programa rin sa sports calendar ng alkalde ang proyektong Laro’t Saya sa Parke.
Katuwang ni Mayor Jordan sa kanyang mga adbokasiya ang buong miyembro ng Konseho.