Advertisers

Advertisers

Sex den sinalakay: 4 huli

0 254

Advertisers

ARESTADO ang apat katao nang salakayin ng mga awtoridad ang isang sex den sa Sitio Bataan, Barangay Suso, Sta. Maria, Ilocos Sur nitong Linggo.
Naaresto sa raid sina Manuel Agbulos, 75, biyudo, may-ari at operator ng sex den; Roselyn Manyago, 40, walang asawa, ng Brgy. Silag ng naturang bayan; Racquel Reyes, 21, dalaga, ng Brgy. Mabilbila Norte, Sta Maria, mga sex worker; at Jack Diga Daproza, 39, may asawa, kustomer, ng Brgy. Lingsat, Sta. Maria.
Sa report, 2:50 ng hapon nang isagawa ng mga awtoridad ang anti-prostitution entrapment operation sa naturang lugar.
Nasa kustodya na ng Sta. Maria Municipal Police Station ang apat na suspek.(PFT team)