Advertisers

Advertisers

Marian inamin, Dingdong mahigpit at konserbatibong mister at erpat

0 304

Advertisers

PINAG-usapan nang husto ang litrato ni Zia Dantes na nakasuot ng costume ni Darna na pinost ng ina niyang si Marian Rivera sa Instagram account nito ilang buwan lamang ang nakalilipas.

Kaya naman maraming netizen ang nagsasabing si Zia ang may karapatan na maging next Darna matapos itong gampanan ng mommy niya sa GMA.

Isa si Marian sa pinakasikat na gumanap sa papel ng Pinay superhero; super-successful ang Darna series ng aktres sa GMA noong 2009.



Kaya naman agree ang marami na kapag nagdalaga na si Zia ay perfect itong maging Darna!

“Dyusko day!

“After 20 years?! Baka ang costume ni Darna, nipples na lang ang may takip,” tumatawang bulalas ni Marian na nakausap namin kamakailan.

Papayag ba si Marian kung sakaling si Zia nga ay alukin na maging Darna in the future?

“Ay, ang tatay niya ang tanungin mo. Bilang ako, kahit ano ako basta gusto ng anak ko, walang problema. Si Dong ang very sensitive pagdating kay Zia.”



Rebelasyon ni Marian, konserbatibong tatay at asawa si Dingdong Dantes.

“E kahit naman sa akin, hindi ba? Kapag naka-dress, kailangan naka-cycling. Bawal hindi…

“Sabi ko nga, ano ba iyan, kahit noong buntis ako. Naka-dress ako, ang laki ng tiyan ko. Sabi ko, wala ng magnanasa sa akin. “Sasabihin niya, ‘Mag-cycling ka.’”

Bongga rin siguro na kapag si Zia na ang bagong Darna, sa kuwento ay ang dating Darna na si Marian ang magpapasa ng mahiwagang bato kay Zia.

“Dyusko day! Naka-bathing suit ako? Hindi na. Tapos na ako diyan.”

Samantala, tuluy-tuloy na ang taping ni Marian para sa Tadhana ng GMA.

Walang problema ito dahil sa bahay nila mismo ang taping ni Marian at ang mister niyang si Dingdong ang direktor ng Tadhana.

***

SUMAGOT ang mabait at halos walang pahingang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño- Seguerra nang matanong tungkol sa usapin ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at ang mga pelikulang ipinapalabas sa Netflix at iba pang movie platforms.

“It’s an MTRCB call, but on the perspective of FDCP all of these platform right now have their own mechanisms for regulation.

“So, may mga control sila na ginagamit para to make sure na may classification ang panonood ng pelikula.

“Siguro on a very grounded perspective, ang nakikita ko lang talaga na hardship, just in case this will be put in place is madi-delay talaga ang pagpapalabas ng mga pelikula on the platform.

“’Yung mga ipalalabas ng September halimbawa, all over the world alam natin na worldwide, September siya ipalalabas.

“Siguro hindi muna siya mapapanood after three months to four months, ‘yun ang nagiging setback, talagang nahuhuli sila pagpapalabas ng latest content ng platform na ito.

“So, I think, it’s best to revisit and tingnan natin kung ano ba ang value versus the effect also of these kind of regulation,” ani Liza na mas pinagtutunan ng pansin ang mga aktibidades ng  selebrasyon ng Sine Sandaan.

Buong buwan ng Setyembre ay halos dire-diretso ang mga ganap ng FDCP upang makapagbigay-lingkod at serbisyo sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Hindi nga kinaya ng pandemya na pahintuin si Liza para siguruhin ang patuloy na pag-asenso ng pelikulang Pilipino. (Rommel Gonzales)