Advertisers
NADAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police – Anti kidnapping Group (PNP – AKG) ang isang lalaki na sangkot sa pagpatay at pagkidnap sa operation sa Datu Odin Sinsuat, Mindanao.
Kinilala ang nadakip na si Ramil Gudillos alyas Jhonny na wanted sa pagpatay kay Ramer Carumba ng Bonifacio, Misamis Occidental noong 2018
Ayon sa ulat, 7:30 ng umaga nang magsagawa ng one-time big time operation ang pinagsanib na elemento ng PNP – AKG Mindanao Field Unit, RIU 10, Bonifacio MPS Maguindanao Maritima Group, 1404th RMFC-RMFB14, PDEA-BARMM, PIB Maguindanao PPO at Dadtu Odin Sinsuat MPS, sa Brgy. Awang, Sitio Lomboy, Datu Odin Sinsuat.
Inaresto si Gudillos sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder noong March 14, 2018.
Nagtago si Gudillos sa farm ng isang Edgar Javate sa Sitio Lomboy, Brgy. Awangsa loob ng 3 taon.
Sa report, si Gudillos din ang kumidnap kay Lourd Scott Cabrera Amigo sa Mahayag, Zamboanga del Sur, noong August 2019. At sangkot din ito sa gun for hire sa Misamis Occidental. (Mark Obleada)