Advertisers
ARESTADO ang trusted aid ni Dawlah Islamiya Mjdzinar “Mundi” Sawadjaan sa operation ng mga awtoridad sa Zamboanga City nitong Linggo, Setyembre 27.
Kinilala ang nadakip na si Hashim Saripada aka Ibnu Kashir Saripada.
Ayon kay PNP Chief, Gen Camilo Pancratius P. Cascolan, 6:30 ng umaga nang madakip ang suspek ng mga elemeto ng Regional Intelligence Unit-9 at 84th Special Action Company (Seaborne) sa Barangay Recodo, Zamboanga City.
Inaresto si Saripada sa visa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Danilo M Bucoy ng RTC Branch 2 ng Isabela, Basilan sa kasong Multiple Murder at Multiple Frustrated Murder.
Pinangunahan ni Saripada ang pag-atake sa CAFGU Detachment sa Sitio Magkawit, Brgy. Maganda, Lamitan City, Basilan kungsaan isang Morocca bomber na si Abu Kathir Al-Maghribi ang nagsilbing suicide bomber na nagresulta ng pagkasawi ng 11 katao noong July 31, 2018.
Si Saripida ang nag-ayos ng pagbiyahe ni Al-Maghrivi mula Sulu patungo sa Basilan, gayundin ang naghanda ng mga bombang ginamit ng Indonesian couple sa pambobomba sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo Sulu noong Jan 27, 2019. (Mark Obleada)