Advertisers

Advertisers

HPG-NCR salot sa mga drivers at commuters

0 294

Advertisers

Bakit ganoon? Di ba ang motto ng ating pambansang kapulisan ay “To Serve and To Protect” OUR people? Ang sambayanang Pilipino lalo na ang mga nasa sektor ng mahihirap at ordinaryong mamamayan.

Ano itong ginagawang katarantaduhan at kabobohan ng mga tauhan ni Colonel Winston Doromal ng HPG-NCR. Para masabing nagta-trabaho sila sa implementasyon ng mga health protocols, sinasagasaan na nila ang maliliit nating mga mamamayan sa pamamagitan ng bruskong pagpapatupad ng social distancing sa mga pampublikong transportasyon partikular na sa mga jeepneys.

Mukhang napakamaling pagpapa-pogi ito ng mga bata ni Col. Doromal.



Puwede namang sitahin ng may konsiderasyon at compassion ang mga drivers at commuters natin dahil kailangan talaga pero to the extent na pababain sila sa gitna ng nagngangalit na init ng araw at sa mga alanganing lugar ay talagang kasumpa-sumpa.

Ang mabigat, ang pamasaheng nabayad na ng bawat pasaherong pinababa ng HPG ay di malaman kung kanino hihingiin.

Kahit barya-barya lamang ito ay napakalaki na para sa mga ordinaryo nating commuters na sa mga dyip na nga lamang umaasa ng masasakyan papasok ng kanilang trabaho.

Nasa ilalim pa po tayo ng isang pandemya at di pa ganap na nakakaahon sa lusak ng ibayong paghihirap ang ating mga kababayan, ganito pa ang kanilang sinasapit sa kamay ng mga pulis ng HPG-NCR.

Ang iba po sa mga commuters na ito na walang habag na pinabababa ng mga tauhan ni Col. Doromal ay dumaan pa po sa mahabang pagpila bago makasakay ng mga jeepneys at buses na ito.



At nang makasakay na nga, sa halip na diretso na sa kanilang mga destinasyong pinagta-trabahuan ay naaabala pa ng maling sistema ng panghuhuling ito ng HPG.

Puwede namang magtalaga ng mga sisitang HPG sa mga terminal ng mga jeepneys at buses at di sa mga area na alanganin na pandalas tinatambayan ng grupo ng HPG.

May dala-dalang pang meter stick na panukat ang mga pulis na ito na sadyang katawa-tawa sa paningin ng publiko. Ang distansiyang isang metro ay madali namang malaman at tantiyahin kung kaya’t walang pangangailangan pa sa punyetang panukat.

Lumalabas lamang lalo na “overacting at for media exposure” lamang ang mga operasyong isinasagawa ng HPG.

Konting briefing siguro ni Col. Doromal sa kanyang mga tauhan ang kailangan at konting sentido-kumon.

‘Wag namang dagdagan pa ng HPG ang pahirap at pagdurusa ng mga kababayan nating hilahod na nga dahil sa sitwasyon ng pandemya.

Palawakin naman sana ng mga tauhan ng HPG ang kanilang kaisipan at isaalang-alang ang hindi normal na sitwasyon ng bansa.

May mga camera pa umanong kumukuha ng video at larawan sa mga sinisitang drivers at commuters. Alam ba ni Col. Doromal na sa ginagawa nilang ito ay nalalabag nila ang “privacy” ng mga tao?

Tama lamang na manita sila ngunit kailangang gawin ito ng maayos at may konsiderasyon.

‘Wag itutok na lamang ng HPG ang pagpapatupad ng batas base sa bawat titik at parilalang nakasaad dito.

Use your coconut ika nga.

Lahat naman kayong mga taga-HPG ay tiyak na may mga asawa, anak, tatay at nanay o mga kamag-anak na sumasakay ng pampublikong sasakyan.

Magaan ba sa loob n’yo na makitang ganito ang klase at trato ng inyong mga kabaro sa inyong mga mahal sa buhay.

Pinabababa sa gitna ng init ng araw at sa mga alanganing lugar.

Mistulang mga tuliro kung paano uli sila makakasakay at di mahuhuli sa trabaho.

Konsiderasyon lamang po at kortisiya Col. Doromal sir at HPG personnels.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAG-TEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com